Si Miguel Malvar ang Pinakahuling heneral na sumuko sa mga Amerikano .
Ang matapang na si Miguel Malvar ay ipinanganak noong Septiyembre 27, 1865. Ang kanyang mga magulang ay si Maximo Malvar at Tiburcia Carpio . Ipinanganak sa maliit na bayan Si miguel sa San Miguel sa Santo Tomas, Batangas . Dito rin siya inihatid ng mga kababayan sa huli niyang hantungan.

Si Miguel ay unang nag-aral sa pribadong eskwelahan ni Padre Valerio Malabanan. Sapagkat maagang nahiligan ang pagnenegosyo, ang malawak niyang lupaing malapit sa Bundok Makiling ay ginawa niyang manukan at babuyan. Naging inspirasyon niya si Paula Maloles na anak ng capitan municipal
nagtagal matapos siyang tumigil sa pag-aaral, nagpakasal siya kay Paula Maloles, ang anak ng kapitan ng munisipyo at may-ari ng ilang negosyo. Nakuha niya ang malalaking lupain malapit sa Mt. Makiling at manokan sa Sto. Tomas. Ang kapatid ni Jose Rizal na si Saturnina ay naging kasosyo niya sa negosyo
Sa sobrang pang-aapi ng mga Kastila ay nagdesisyong sumapi si Miguel sa Katipunan. Pinamunuan niya ang pakikipaglaban sa Talisay, Batangas. Nang kulungin ang matandang Malvar sa isang walang basehang krimen ay pilit itong pinakawalan ng anak na Katipunero. Nang maulinigang pinaghahanap ng mga Kastila, napilitang lumikas sa Cavite si Miguel. Sa nasabing lalawigan isinabak ni Heneral Emilio Aguinaldo ang Batangueno upang mamuno sa mga tunggalian sa Zapote, Indang, Bailen, Magallanes at Alfonso. Sa bawat labanan, napansin ng lahat ang kagitingan ni Miguel. Sa husay niyang humawak ng mga tauhan at sumunod sa mga ipinag-uutos ni Pangulong Aguinaldo, naging Commanding General siya ng Batangas, Mindoro at tayabas.Iginagalang na lider si Miguel Malvar at ginawa syang Gobernadorcillio noong 1892.
itinaas ang kanyang katungkulan bilang tenyente heneral. Sa organisasyon ng rebolusyonaryong gubyerno at ng pamahalaang pampook ng Batangas, siya ay itinalagang pinuno ng lalawigan.
Nang nag Kasunduan sa Biak-na-Bato ay nilagdaan noong Disyembre 1897, paulit-ulit pa niyang nilabanan ang mga kaaway sa kanyang lalawigan. Ngunit sa pagsunod sa kasunduan, sumama siya at ng kanyang pamilya kay General Aguinaldo at iba pang mga rebolusyonaryong lider sa pagpapatapon sa Hong Kong.
Pinili siya bilang unang cashier administrator sa mga pondo ng rebolusyonaryo. Mga isang buwan pagkatapos ng pagbabalik ni Aguinaldo sumunod siya kasama ang may 2,000 na riffles. Nang pinangalanan siya bilang commanding general sa katimugan ng Luzon, inorganisa niya ang mga pwersa sa mga lalawigan ng Batangas, Mindoro at Tayabas. Itinatag niya ang kanyang punong tanggapan sa Lipa, at responsable sa samahan ng mga ekspedisyon ng militar sa Mga Isla ng Visayas.
Matapos ang pagsiklab ng Digmaang Pilipino-Amerikano, siya ay hinirang na brigadier general noong Marso 1899. Nakipaglaban siya sa mga pwersang Amerikano sa Muntinlupa, San Pedro Tunasan, Kalamba at Kabuyaw. Pagkatapos ay hinirang siya bilang division general at chief of the second zone in command.
Matapos mahuli si Heneral Aguinaldo, siya ang naging bagong commander-in-chief ng mga pwersang Pilipino. Sa isang manifesto para sa sambayanang Pilipino, na may petsang Hulyo 31, 1901, hinihimok niya ang pagpapatuloy sa paglaban sa mga pag-atake ng Amerika.
Ngunit ang paglaban sa mas malakas na kaaway ay naging mahirap para sa puwersa ni Malvar. Nilipon ng mga militar ng Amerika ang mga sibilyan sa kanilang military zone. Sinunog nila ang mga nayong laban sa kanilang pananakop kasama ang mga pananim at hayop. Ang kanilang pangunahing layunin ay gutumin ang mga gerilya. Bilang resulta, ang mga lider ng gerilya ay nahuli o napilitang sumuko. Noong Oktubre 1901, sumuko si General Juan Climaco at Arcadio Maxilom sa Cebu, General Quintin Salas sa Iloilo. Nahuli si General Vicente Lukban sa Samar noong Pebrero 27, 2902. Nang sumunod na buwan, sumuko si General Mariano Noriel sa Cavite.
Gayunpaman, nadama ni Malvar na maipagpapatuloy niya ang laban para sa kalayaan ng kanyang bansa, kahit pa ang kanyang mga tauhan ay nabawasan at ang kanilang mga armas at mga sandata ay unti-unting naubos. Dagdag pa dito ang gutom, pagod at pagkakasakit dahil sa tuloy-tuloy na pagmamartsa sa kagubatan habang ang mga sundalong Amerikano ay patuloy na tumutugis sa kanila.
Namatay siya sa sakit sa atay sa Maynila noong Oktubre 13, 1911, sa edad na 46. Ang kanyang mga labi ay dinala sa Santo Tomas, Batangas at inilibing na may mataas na parangal mula sa militar.
Credits:
•https://bayaningfilipino.blogspot.com/2017/09/talambuhay-ni-miguel-malvar.html?m=1
•https://m.pinoyedition.com/talambuhay-ng-mga-bayani/miguel-malvar/